Header Ads

Saturday, August 13, 2022

Umantig sa mga netizen ang karatulang ito ng isang Jeepney Driver, Para sa Walang-wala TY lang ok na.

0 comments

Sa panahon puno ng kahirapan at halos hindi magandang balita o pangyayari ang ating natutunghayan sa ating kapaligiran, nakakatuwang isipin na may mga tao pa rin kahit na sa munting pamamaraan ay gumagawa ng tulong para sa kanilang kapwa. Tunay nga nakakataba ng puso ang ganitong adhikain.

Ang makatulong sa munting pamamaraan ay hindi biro para sa taong hindi naman gaano karangya ang pamumuhay ngunit patuloy pa rin ang pagtulong sa kapwa. Alam naman natin na sobrang taas na ngayon ng mga bilihin at halos taon taon ay tumataas din ang presyo ng gasolina na siyang nagpapahirap pa lalo sa ating mga tsuper.

May mangilan ngilan na rin ang huminto sa pamamasada dahil sa hindi na sapat na kita, ngunit may ilan naman na patuloy pa rin nagtyatyaga upang kahit papaano makatsamba at kumita ng sapat. Kaya namana ng social media post ni Ian Macalanda ay umantig sa puso ng maraming netizen. Sa araw na iyon habang papuntang Divisoria si Ian may isang pumukaw sa kanyang atensyon na listahan ng pamasahe na nakapaskil sa likurang bahagi ng isang Jeepney driver.

Ang katagang “Para sa walang wala, TY lang OK na,” saad sa placard na isinulat ng drayber para sa mga pasahero ang siyang nagpaantig sa damdamin ni Ian. Ang jeepney driver ay kinilalang si Mike Kimuell 61-anyos at matagal ng jeepney driver. Ayon kay Mang Mike sa isang panayam sa kanya, masaya na umano siya na makatulong at sa kaunting pasasalamat lamang ay ginhawa na sa kalooban ang hatid nito.

Sa ngayon ang post ni Ian ay umabot na ng libong shares at samu’t saring komento’t papuri. Ayon pa kay Ian hindi naman niya intensyon na ipost ang lawaran ngunit mas minabuti niya maging inspirasyon si tatay sa karamihan. Bagamat naipost niya ito hindi naman akalain ni Ian na magviral ang nasabing larawan.

Ganunpaman nagpapasalamat pa rin si Ian sa mga nakapansin, dalangin niya na kapulutan ng aral ang ginagawang pagtulong ni Tatay Mike.


No comments:

Post a Comment