Nakakatuwang isispin na kahit gaano man kahirap ang pinagdadaanan natin sa mundong ibabaw ay may ilan tao pa ring kahit na walang wala na ay patuloy pa rin tumutulong sa kapwa sa kanilang sariling pamamaraan. Hindi lahat ay ipinanganak ay may maayos o marangya pamumuhay tulad ng madalas natin makita sa lansangan na mangangalakal kung saan ito lamang ang kanilang ikinabubuhay.
Tulad ng isang nadaan ng isang good samaritan na si Sherwin Lim kung saan naitampok nito sa kanyang vlog ang isang matandang mangangalakal. Si lolo Lowie ay 70-anyos na at ang kanyang araw-araw na paglilibot sa kalsada upang mangolekta ng kalakal ay ang syang inaasahan ng kanyang pamilya upang makabili ng kanilang makakain sa araw-araw.
Sa pagtatanong ni Sherwin kay Lolo ay nabanggit pa ng matandan na ninakawan ito habang natutulog sa kalsada, nakakalungkot lamang isipin na sa isang tulad ni lolo na walang wala nagawa pang pagnakawan ng hindi nakikilalang kawatan. Ngunit sa isang banda may natira naman daw siyang barya o saktong limang piso. At sa kalagitnaan ng pagtatanong ni Sherwin naisipan niya itong subukan o tinatawag na social experiment.
Nagpanggap si Sherwin na wala ng gasolina at kailangan nitong magkarga ngunit kinulang ang kanyang pera, nakiusap kuno ang motovlogger na si Sherwin na baka may natitira pang pera si lolo upang madagdagan ang pangkarga nito. Walang atubiling iniabot ng matanda ang kanyang natitirang barya na siyang ikinamangha ni Sherwin.
Ang sabi pa ni Sherwin “Ninakawan na kana tapos binibigyan mo pa ako, ano ng matitira sayo? Baka mas kailangan mo to? May pambili ka pang pagkain?
“Kahit na mahirap kitain binigyan mo ako, so tutumbasan ko yun. Pag tumulong sa ka sa kapwa mo mas higit pa dun darating sayo,”
Sa mga simpleng tao na tulad ni Lolo Lowie ay tila nakakaantig sa damdamin na kung sino pa ang siyang nangangailan siya ang handang tumulong sa kapwa. Kaya naman kalaunan sinabihan ni Sherwin ang matanda na binibiro lamang niya at ibinalik ang barya ni lolo na siyang pinalitan ni Sherwin ng pera doble pa sa kikitain ng matanda sa pangangalakal araw-araw.
Sa huling paalaman sinabihan na lamang ni Sherwin si Lolo;
“Mag-iingat ka palagi Tay. Pagpalain ka ng Panginoon at wag kang tumigil maging mabuting tao”.