Header Ads

Monday, August 15, 2022

BFF goals, Mga dating delivery rider noon abot na ang pangarap ngayon sa pagiging mga alagad ng batas

0 comments

Isang patunay na basta ang pangarap ay kinilusan at sinamahan ng dasal ay makakamit mo sa tamang panahon. Gaano man kahirap mo ang pinagdadaanan mo ngayon, balang araw sa pamamagitan ng pagsisikap mo sa buhay lahat ng pinangarap mo ay makakamtan. Ganito ang pinatunayan ng tatlong magkakaibigan na sina Kendrick De Guzman, Gilrex Servidad Jr at Mark Lawrence Rance.

Sila pawang magkakaibigan na minsan nangarap at kalaunan ay natupad, mga dating grab rider na ngayon ay nakapagtapos na ng kolehiyo at malapit na sa kanilang pangarap na maging isang alagad ng batas. Salaysay ni Kendrick siya ang naghikayat sa dalawa niyang kaibigan na sina Gilrex at Mark na pumasok bilang delivery rider, dahil nga ng mga panahon na iyon ay nasa unang baitang siya sa kolehiyo at isang ring Grab rider.

Ayon kay Kendrick ginagawa niya ang pag-grab grab upang may pandagdag sa gastuhin at magkaroon ng extrang pera para sa kanyang pag-aaral. Naisipan niyang ayain ang dalawa niyang kaibigan na noong una ay ayaw pa ng mga ito ngunit ng kalaunan ay sumubok din upang kahit papaano ay makasuporta sa pang-araw araw na buhay at dahil na rin sa pandemya.

Kwento ni Ken “First year college po nagwowork po ako pang part-time para po ano may pang pocket money. Tas inaaya ko na po kasi sila nun, hindi pa po sila agad sumama.Kumita lang po ako ng above minimum, okay na po. Kasi po ang pasok namin 7:30 to 12:30, tas pagkatapos po nun mag tatanghalian lang po ako sa bahay then bya-byahe na po ako,”

Mahirap ang kanilang pinagdaanan bilang mga working student sambit nga ni Gilrex; “So bumabyahe kami ng after class aalis kami sa bahay ng alas dose, ang uwi na rin namin niyan 12. So dalawang oras lang kami nakakatulog niyan. So papasok kami minsan, inaantok kami ganyan. Pero even though na inaantok kami, hindi namin pinapabayaan ‘yung pag-aaral namin. Aabsent lang kami halimbawa mag-eexam ‘yun, medyo nag nagkakapos po kami sa review,” Si Mark naman ay “Ako po minsan nag-eexam sa habang bumabyahe, naghihintay ng booking,”.

Sa kabilang banda suportado sila ng kanilang mga magulang sa kanilang ginagawang pagtratrabaho at pag-aaral ng sabay. “Okay lang po sa kanila kasi nakakatulong din po kasi kami. And sila rin po nung time ng pandemic is medyo nakikita rin po namin na sila medyo nahihirapan po,”

Ngayon taon nakapagtapos ang tatlo bilang BS Criminology sa Philippine College of Criminology at naghahanda na ang mga ito sa kanilang board exam bago matapos ang taon upang maging isang ganap na pulis kung makapasa sa nasabing pagsususlit.

Ito naman ang kanilang mga payo sa ibang nagnanais na tuparin ang kanilang pangarap at makapagtapos ng pag-aaral. “Kahit na nahihirapan man kami, hindi kami susuko kasi para maabot namin ‘yung mga pangarap namin,” sambit nit Gilrex

“Gusto rin po namin na ma-encourage ‘yung ibang estudyante na katulad namin na, kahit ganyan, mahirap ‘yung buhay dumaan ‘yung pandemic, is my way pa rin na para maitaguyod ‘yung pag-aaral tsaka pag tratrabaho,” ayon naman kay Mark.

Kaya sa mga taong patuloy na nangangarap, huwag nating hintuan ang mga ito patuloy lamang sa buhay at balang araw makakamtan nating lahat ng mga bagay na dating pangarap lang. {via}


No comments:

Post a Comment