Mahirap maging ina lalo na kung bago pa lang kayong nag-uumpisa bilang pamilya kaya naman maraming kababaihan kapag naging ina ay madalas napapabayaan ang sarili o kung minsan nasasabihan na losyang na ang mga ito. Pero kung ating titingnan ang ina ay isang propesyon na kailanman ay hindi napuputol o panghabang-buhay na ito.
Simula ng isilang tayo sa mundong ibabaw diyan na mag-uumpisa ang pagsubok bilang ina, samu’t saring hirap at ginhawa ang mararanasan sa pagiging magulang lalo na kung ang kabiyak nito ay nasa malayong lugar o kung di naman nag-iisang pinalaki ang anak. Kaya naman ang tanging bawi mo na lang sa pagkakaroon ng anak ay maging mabuting mga anak sila pagdating ng araw at magkaroon ng magandang buhay sa tamang panahon.
Kamakailan lamang umani ng atensyon sa socmed ang post ni JuJu Valdez-Tala na isang ina kung saan inilahad nito na ang pagiging ina ay hindi hadlang upang hindi ka maging kaaya-aya sa iyong katawan. Iba’t ibang reaksyon at komento ang nabanggit ng ilang nakabasa ng post ni Juju.
Ayon kay Juju na nakuhanan ng lawaran sa isang Coffee shop na mukhang dalaga ang suot o kung pumorma ito. “May anak na pero parang dalaga pa rin pumorma”, kadalasan ang utak nating mga pinoy ay kapag may anak na hindi na dapat magbihis ng maayos dahil dapat mas inuuna ang anak. Ngunit para kay Juju hindi ito hadlang at pinili niyang mag-ayos at pagandahin ang sarili kahit na may anak ito.
Nabanggit pa nga nito ang kanyang skin care ay mura lamang at sila ay walang yaya para sa kanyang sanggol na anak. Nakabukod sila ng tirahang mag-asawa kung at aminado siyang nakakapagod maging ina pero nasa tao kung paano mo pangangalagaan ang sarili mo.
Marahil ang post Juju ay hindi lahat makakarelate dahil sa iba’t ibang opinyon bilang magulang o ina. Ngunit para kay Juju ay nais lamang niyang pangalagaan ang sarili at hindi magpa-apekto sa nakagawian nating mga Filipino.
Narito ang post ni Juju sa kanyang socmed; “MAY ANAK NA PERO FEELING DALAGA PA DIN MANAMIT”
Common misconception in the Philippines kapag nanay ka. You’re not allowed to be pretty, sexy, enjoy nor express yourself. Yes it’s true, mahirap maging nanay. You need to wash your baby’s clothes, sanitize bottles, feed, comfort, in short WALANG DAY OFF.
Most women says nakakapangit maging nanay, which is totoo naman. There are times I feel ugly too and that’s the reason I always choose to make myself pretty whenever possible. I don’t have anything against moms who don’t get the time to do skin care or make up. It’s actually up to the person, kase nga naman pagod talaga and most of the time itutulog nalang pero in my case, I can still do it.
I mean, I can manage to take care of myself while taking care of my baby too. So please, let’s break this misconception. Again, iba iba tayo ng way to express ourselves. IF IT MAKES SOMEONE HAPPY AND IT DOESN’T HURT YOU, LET THEM.
Edited POV: Wala po kaming yaya, nakabukod po kami ng SUPPORTIVE HUBBY ko, I’m employed and mura lang po skin care ko/Maganda lang talaga ako! HAHAHA