Marahil tunay nga na ang alagang aso ang tinaguriang man’s bestfriend, kahit saan man lupalop mundo ang katagang ito ay syang nakatatak sa isipan ng bawat pet lover. Kung minsan hindi natin maintindihan ngunit sa isang banda lalo pa at naranasan nating mag-alaga ng aso, saka na lamang natin maiintindihan ang mga bagay na ito.
Malaking tulong sa ating pamayanan ang pagkakaroon ng alagang aso lalo na sa ating bahay, nagsisilbi silang taga-aliw at rekomendasyon na rin ng mga eksperto upang mawala ang depresyon ng isang tao. Kaya naman may isang tagpo ang pumukaw ng atensyon sa mga netizen patungkol sa isang aso at amo nitong bata.
Makikita sa larawan na ang asong si Harry ay ipinagtatanggol ang bata sa nakakatandang amo na si Mrs. Sun kung saan pinapagalitan ito ngunit sa kilos ni Harry tila nagagalit ito sa ginagawa ng nanay sa bata. Nagsilbing tagapanggol ang aso ng batang musmos sa sinumang may masamang balak sa bata hindi lang sa ina nito.
Sa kinikilos ni Harry lubhang napakapanganib ng asta nito na siyang makikita sa mukha nito, sa kabilang banda kapag kaharap naman ang batang paslit ay parang inaamo pa nito at nakayakap pa nga sa munting bata.
Ang pagkakaroon ng asong tulad ni Harry ay maituturing na isang kayamanan lalo na sa isang pamilya. Ang sarap sa pakiramdam ng may aso kang parang tao kung umasta at parang isang miyembro na talaga ng pamilya. Kaya sa may mga alagang aso mahalin at pahalagahan natin sila. {via}