Header Ads

Wednesday, August 3, 2022

Ina dinadala sa paaralan ang kanyang sanggol na anak upang maipagpatuloy ang pag-aaral at makatapos

0 comments

Iba ang pananaw ng ating kababayan pagdating sa edukasyon at iba-iba din ang prinsipyo ng ilan patungkol dito. Marahil sa mga panahong ito na marami na sa ating mga kababayan ang hindi na dumaan sa edukasyon o hindi nakatapos ngunit naging matagumpay sa buhay.

Larawan mula kay Ira Baldonaza

Ngunit kung ating titingnan isa pa rin ang edukasyon sa maituturing na pundasyon upang umasenso sa buhay, lalo na sa ating kultura kung saan ating nakamulatan na ang edukasyon ay kayamanang maipapamana ng ating mga magulang. Ano-anuman ang dahilan ng iilan sa atin ay hindi na nakakapagpatuloy sa pag-aaral, una na dyan ang dahilan ay kakapusan sa pera.

Larawan mula kay Ira Baldonaza

Kaya naman ang kwento ng isang ina na si Ira Lectana Baldonaza na nasa 36-anyos na ay piniling makatapos kahit na may katandaan na at kinukutyat ng ilan dahil sa kanyang edad. Kumuha si Ira ng kursong Elementary Education sa Eastern Samar State University Can-Avid campus. Ngunit ng siya ay nasa ikaapat na taon na, sa di inaasahan nabuntis ito ganunpaman hindi ito nawalan pag-asa na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Larawan mula kay Ira Baldonaza
Larawan mula kay Ira Baldonaza

Sa hindi inaasahan ang sanggol ay may kondisyong G6PD deficient isang kondisyon na maaaring mauwi sa Anemia kung mali ang mga pagkain at gamot na maipainom dito. Kaya naman sa pahintulot ng paaralan minabuti na ni Ira na dalhin at isama sa kanilang campus ang bata.

Larawan mula kay Ira Baldonaza

Mahirap man ang napagdaanan ni Ira napagtagumpayan niya ito sa tulong ng kanyang mga kaibigan, guro at kaanak nito. Kaya naman laking pasasalamat niya sa mga taong tumulong hanggang makaraos ito ng kanyang pag-aaral. Sa ngayon kumuha si Ira ng Basic English course sa TESDA.

“I didn’t expect na mag-viral [ito]. Ang sa akin lang, ‘yung tuwa na makasama anak ko sa graduation pictorial namin. Sana madami pang ma-inspire sa story ko, at they too [can] continue to reach for their dreams kahit madaming pagsubok,” -dagdag pa ni Ira.


No comments:

Post a Comment