Kasabihan na hindi matitiis ng isang ina ang kanyang anak ngunit ang anak matitiis ang kanyang ina o magulang. Sadyang ang puso ng pagiging ina ay nakakabit na sa anak kahit pa ito ay nag-asawa na o may sarili na itong buhay. Mas lalo pa kayang hindi kayang tiisin ng isang ina na makitang nahihirapan ang kanyang anak.
Tiyak na gagawa at gagawa ito ng paraan para mapagbigyan o matulungan ang kanyang anak. Kadalasan hindi mo makikitang nagrereklamo ang isang ina, patuloy lamang ito gagawa hangga’t makakaya nito. Ang pagiging ina ay hindi mapapatid hanggang sa huling hininga nito.
Tulad ng isang tagpong ito na umantig sa puso ng mga netizen patungkol sa pagtulong ng isang ina sa kanyang anak habang nasa trabaho ito. Kuha ang mga lawaran mula sa post ni Rubie Lyn Mendoza na kapatid ni Jann ang babaeng nagtratrabaho sa nasabing fastfood.
Kasama ni Rubie ang kanilang nanay na si Aling Emilia ng mga araw na iyon upang bisitahin o makita lamang ang anak sa fastfood na pinapasukan nito. Ngunit nagkataon na maraming tao ng panahon na iyon kaya naman napaka busy ni Jann ang kapatid Rubie. Ayon pa kay Rubie umorder naman sila ng pagkain upang sa nasabing fastfood na rin maibsan ang kanilang gutom.
Ngunit kalaunan walang kaabog-abog na makita ni Rubie na ang kanyang ina ay nagliligpit ng pinagkainan sa kabilang lamesa kung saan maraming kalat ng costumer ang naiwan. Kinuhanan ni Rubie ang ina dahil nahabag ito sa kinilos ng kanilang nanay. Kung makikita ninyo sa larawan talagang kumikilos ay tumutulong ang kanilang ina habang ang anak nitong nagtratrabaho ay nasa di kalayuan at ginagawa din ang trabaho nito.
Kaya sa mga anak matuto tayong pahalagahan at mahalin ang ating ina, sa simula ng isilang tayo at nagkamalay sa mundong ating ginagalawan ay mananatili ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.