Tunay nga ang kasabihan na kung may mangyayaring hindi maganda sa amo ng isang aso ay mauuna pa itong magbuwis ng buhay para mailigtas sa kapahamakan ang kanyang amo. Simula noon pa man tinagurian ng Man’s Bestfriend ang aso o madalas na tawag ay si bantay marahil sa pagiging madalas nitong maiwanan sa bahay. Ngunit sa paglipas ng panahon hindi na ganito ang naging kaugalian, ngayon na nasa modernong panahon na tayo madalas na kasa-kasama pa natin ang ating mga alagang hayop sa mga lakad o pamamasyal.
Maging sa mga mall, madalas na rin tayong makakakita ng aso o pusa dito. Ngunit kung minsan nakakalungkot lamang isipin na ang mga ito ang siya pang magliligtas sa ating buhay. Hindi na bago ang pangyayaring ganito, may mga ilan kaganapan na rin ang napabalita na may ganitong karanasan.
Tulad ng pangyayaring ito sa post ni Gemini Traya Aligato sa kanyang socmed account, ayon sa pangyayari kasalukuyang naghahanda ang kanyang kapatid para lamay ng kanyang ina ngunit ng bigla na lamang itong sumigaw at nakuryente na pala. Agad naman dumating ang kanilang alagang aso nang dagliang dinambahan at kinagat ang alambreng hawak ng biktima. Makikita sa larawan na kagat pa ng aso ang alambreng dinadaluyan ng kuryente.
Nakaligtas naman ang mga amo ng bayaning aso ngunit ang nakakalungot na parte sa lahat ay hindi nakaligtas ang nasabing aso. Marahil ito ang sinasabi sa isang kasabihan, ganunpaman mabuting tanggapin na lamang ang katotohanan. Kaya paalala na rin sa lahat na habang nabubuhay pa ang ating mga alaga ay itrato ito ng maayos.
Sa ngayon umulan ng papuri sa ginawang kabayanihan ng asong nasawi at marami ang nagpaabot ng pakikiramay sa asong minsan ng tinaguriang Bayani.