Isa sa masayang pangyayari sa ating buhay ang makapagtapos ng pag-aaral lalo na kapag sumapit ang araw ng pagtatapos. Sa ganitong araw natin mararamdaman na ang lahat ng pinaghirapan natin bilang mag-aaral ay may kabuluhan patungo sa panibagong kabanata ng ating buhay.
Ngunit iba naman ang naranasan ni Jessica Flegueras matapos ang masasayang pictorial, pictures post sa kanyang mga soc med account patungkol sa araw ng kanyang pagtatapos ay napalitan lahat ng lungkot. Isang pangyayari ang bumawi ng kasiyahan ni Jessica ng masunog ang kanilang tahanan sa Valenzuela City.
Ayon kay Jessica masaya na sana ang buong araw nito sa kanyang pagtatapos, sa hindi inaasahan sitwasyon isa ang kanilang bahay na tinupok ng apoy sa sunog na naganap kamakailan sa Valenzuela City. Kwento pa ni Jessica ok na sana sa kanila ang lumikas tuwing bagyo sa kanilang tinitirhan dahil mayroon naman silang babalikan ngunit ngayon wala na silang bahay na matutuluyan pa.
Ang masaklap pa nito wala man lamang siyang picture na nakatoga dahil na rin sa kakarating pa lamang nila ng makatanggap sila ng tawag tungkol sa bahay nilang nasusunog. Sa sobrang walang wala ng malapitan at hindi na malaman ang gagawin dahil pati na rin ang mga dokumento niyang nakahanda para sa paghahanap ng trabaho ay nasamang natupok ng apoy.
Sa ngayon kahit wala sa ugali ni Jessica na humingi ng tulong, siya ngayon ay nanawagan at humihingi ng tulong sa may mga mabubuting puso upang kahit papaano ay makarebor sila.
Narito ang buong post ni Jessica;
Graduation ko kahapon, kasabay nun nasunugan kami.. as in lahat.. Ang ganda ng wall ko pati mga stories dahil puro graduation, puro congrats at ayoko manira ng moments kahapon kaya di ako nagsabi agad….
Sobrang saya ko kase after 7 yrs of waiting nakagrad din ako ng college.. nag stop ako ng Isang taon, pumasok ng shs, at nag college… Sabi ko ang swabe ng buhay ko kahit late ako, nakapag aral ako ng libre sa SJCQC nung shs, tapos sa PLV ng libre uli… Grabeng surprise naman to, sobrang surprise.
Ok lang sakin na lumilikas kami sa valnat tuwing may bagyo, malakas ulan kase alam namin may uuwian pa din kami. Pero ngayon wala na kaming uuwian..
Wala kong picture ng naka toga kase, kakarating lang namin sa venue nung tinawagan kami. Wala pang 20mins nung nakipag picturan ako sa mga kaibigan ko, tapos Ganon.. Gusto ko sanang umuwi kaso wala na daw, pinilit kong antayin at akyatin sa stage yung diploma ko kase graduation ko pa din naman…. Sobrang sakit. Hindi ako masaya sa araw ng graduation ko…
Ayoko sana humingi ng tulong kase di bagay sa personality ko, ayokong shinashare and down moments ko, pero kailangan ko talaga ngayon… Di ko alam san kami magsisimula… Kahit anong tulong, personal hygiene, pagkain, damit at monetary… sa mga magaabot po ng tulong, nandito po kami sa Valenzuela National High School… eto po ang gcash number ko.. 09301546360 Jessica F. Maraming Salamat po.
At kung may maooffer po kayong work, kahit extra lang po, willing po ako pumasok agad( nasunog po yung mga requirements ko sa school pati yung mga kinuha kong requirements sss, pagibig, police, first time job seeker cert at iba pa) kung pwede pong to follow up nalang.. salamat po.
*Not the typical caption for graduation* Jessica F. Flegueras Bachelor of science in Business Administration major in Marketing Management 18-126* Batch 2022