Header Ads

Saturday, July 23, 2022

Ikinagulat ng isang food rider ang naging reaskyon ng customer matapos nitong matapon ang order nito

0 comments

Sa mundo ating ginagalawan normal lamang makaramdam ng galit hinanakit o init ng ulo sa mga hindi magagandang pangyayari o mga bagay na hindi natin nagugustuhan. Ngunit sana man lamang bago natin pairalin ang galit sa ating puso, pagisipan muna natin ito dahil kung minsan ito pa ang nagiging sanhi kung bakit nagkakaroon ng kapahamakan o hindi magandang kinahihinatnan ng isang tagpo.

Sa post ni Michelle Luna sa kanyang soc med account ay nagbigay ito ng good vibes kaya naman ang ilan sa mga netizen ay napahanga sa kanyang inasal. Bilang isang customer na madalas umorder ng pagkain online karaniwan na magiging reaksyon ang magalit lalo na kapag ang ating iniorder ay may aberya.

Ngunit sa kaso ni Michelle Luna ay hindi niya pinairal ang init ng ulo bagkus isang ngiti at pagunawa ang isinukli niya sa kanyang naranasan. Kwento ni Michelle inabot siya ng gutom kaya naman naisipan niyang umorder online, nakaabang na siya sa kanilang gate habang natatanaw nito ang food rider ngunit may napansin siya dito na tila balisa ito.

At saktong pagkalapit ng rider kay Michelle paulit-ulit itong humingi ng tawad sa hindi malaman pang dahilan, nang maglaon natapon pala ni kuya ang hot choco na order ni Michelle ngunit laking gulat ni food rider ng ibaba ni Michelle ang kanyang facemask at sinabing “OK LANG UN KUYA SALAMAT SA PAGHATID NG PAGKAIN KO, NA-APPRECIATE KO HARD WORK MO NGAYONG UMAGA.”.

Agad na nagilid ang luha sa mata ng rider kaya naman pati itong si Michelle ay daglian na ring nagpaalam at sinabing aakyat na rin dahil isa rin pala siyang balat sibuyas.

Narito ang buong post ni Michelle;

Share ko lang. So, umorder nalang ako sa Food panda ng kakainin ko bago matulog. Nakabike lang ang nagdeliver sakin at nagtataka ko kasi tanaw ko palang halatang di sya mapakali. Pagkalapit ko sa knya, sorry sya ng sorry kasi ung hot choco natapon na halos ung kalahati.

What i did, binaba ko lang slight ung mask ko, nginitian sya at sinabing “OK LANG UN KUYA SALAMAT SA PAGHATID NG PAGKAIN KO, NA-APPRECIATE KO HARD WORK MO NGAYONG UMAGA.”

He almost cried. I dont know kung may pinagdadaanan si kuya or what. Pero diba ang simple lang sana ng mundo kung kaya nating i-appreciate ang mga bagay na meron tayo. Lalo na ung mga maliit o malaking bagay na kayang gawin satin ng ibang tao. May kulang man, piliin padin nating maging mabuti. Lalo na kung tingin natin mas kailangan nila makaranas ng appreciation.

*at syempre, isa din akong balat-sibuyas kaya nung nakita ko ng paiyak si kuya, umakyat na ako. HAHAHAHAHA


No comments:

Post a Comment