Header Ads

Friday, July 22, 2022

Ipinagmalaki ng isang ina ang kanyang 15-anyos na breadwinner anak na nakapagpatayo ng bahay nila at nakapagpundar ng mga gamit

0 comments

Sa panahon ngayon maraming bata ang maabilidad at mulat na sa mga bagay-bagay, may ilan na ngayon na sa murang edad ay malaki na ang kinikita dahil na rin sa kanilang mga diskarte gamit ang makabagong teknolohiya. May ilan naman na talagang hindi makakilos dahil walang sapat na kagamitan.

Larawan ni Rosanne Pugal

Ngunit sa isang batang nasa 15-anyos pa lamang ay nakakabilib na ang kanyang pag-iisip na makatulong at makaisip ng mga bagay na siyang mapapakinabangan at makakatulong sa kanilang pamilya. Siya si Love Marie Pugal ang 15-anyos na Youtuber na siyang naging sentro ng atensyon kamakailan dahil sa pagiging breadwinner nito at nakapagpatayo ng bahay ng kanyang pamilya at nakabili ng mga gamit bukod pa sa mga sa tulong sa kanyang mga kapatid simula ng panahon ng pandemya hanggang sa kasalukuyan.

Larawan ni Rosanne Pugal

Ito ang ibinahagi ng kanyang proud na ina na si Rosanne Sabas Pugal, 42, sa Home Buddies, isang Facebook group para sa mga taong mahihilig sa bahay. Ayon kay Rosanne taong 2020 ng matigil sila sa trabaho at pagtitinda ng street foods na lamang ang kanilang naging kapalit sa nawalang trabaho. Kaya naman ang anak niyang si Love Marie na mismo ang nag-alok na siya na muna ang bahala sa mga gastuhin sa bahay.

Larawan ni Rosanne Pugal

Ikinagulat ito ni Rosanne, bagamat natutuwa siya dahil sa malawak na pag-iispin ng anak hindi na siya nag-atubiling umuoo dito. Sa isang banda napaisip din siya bilang ina kung saan nakukuha ng kanyang anak ang pera. Ito pala ay dahil sa pagiging Youtuber ng grade 9 honor student na si Love Marie bukod sa pagiging online seller ng bata.

Nung una ay libangan lamang ng kanyang anak ang mga ginagawa nito sa youtube tulad ng mga content nitong video game na Gacha Life o di kaya ay mga short video animations na may kinalaman sa anime-styled characters. Syempre nariyan din ang paninda nito online na K-pop merch.

Sa ngayon tuloy lamang si Love Marie sa mga kinahiligan nitong gawin at priority pa rin nito ang pag-aaral upang hindi mawala sa pagiging achievers nito at pagigigng honor student.


No comments:

Post a Comment