Header Ads

Friday, July 22, 2022

Dating tamad mag-aral noon, ngayon ay Top 3 sa board exam at nakapagtapos bilang cum laude sa kolehiyo

0 comments

Walang makakapagsabi ng kapalaran ng isang tao ngunit tayo ay isa sa gumagawa nito, nakaukit man ang ating tadhana tayo pa rin ang magkokontrol nito mapabuti man ang nais nating marating o sa hndi magandang tadhana ang ating makakamit.

Larawan mula kay Jonald Traquiña

Isang tubong Quezon ang nagpatunay na lahat ay mayroon second chance, Si Jonald Delos Santos Traquiña ay minsan ng naging tamad at bulakbol ng kanyang kabataan at nagdesisyon huminto sa pag-aaral. Ilang ulit na nakakuha ng mababang grado kung minsan ay bagsak pa nga ito ngunit ng binigyan muli ngpagkakataon pinatunayan nito na kaya niyang bumangon sa maling nagawa at desisyon sa buhay.

Larawan mula kay Jonald Traquiña

Ang kanyang mga magulang ay nawalan ng pag-asa dahil nais ng mga ito na makapagtapos siya ng pag-aaral. Mga panahon na hindi binigyan ng pagkakaon muli ng kanyang mga magulang, ngunit kalaunan sa pakiusap ng kanyang kapatid ay muli napagbigyan ito. Dito nagsimula siyang mangako sa sarili na gagawin ang lahat at hindi na mauulit ang pagkakamali.

Muling nakapag-aral si Jo palayaw ni Jonald sa Polillo National High School sa Quezon. At ng makatapos nagpatuloy ito sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Elementary Education sa Southern Luzon State University (SLSU)-Polillo Campus. Naging mahirap para kay Jo ang pag-aaral sa kolehiyo dahil na rin sa kakapusan ng pera.

Larawan mula kay Jonald Traquiña

Bagaman ganun ang pangyayari sa buhay ni Jo hindi ito nawalan ng pag-asa at muling  gumawa ng paraan upang mairaos ang pag-aaral sa kolehiyo. Naisipan niyang maglako ng cassava chips and yema spread upang maging self supporting student siya. Sa ganitong paraan paglipas ng ilang taon nakatapos na ito ng kolehiyo at ngayon ay isang LET passer, isang history na maituturing sa kanilang paaralan.

Larawan mula kay Jonald Traquiña

Patuloy lamang magsikap na abutin ang pangarap, magdasal at kilusan ang mga ito upang makaahon sa kinalulubugang putik. Balang araw makikita mo lahat ng bunga ng iyong pinaghirapan.


No comments:

Post a Comment