Header Ads

Sunday, July 24, 2022

Magsilbing paalala ang nangyari ito sa isang 7-taong gulang na batang babae, Extension socket pumutok sa kamay nito

0 comments

Kapag tungkol sa kuryente ang usapan ang lahat ay nababahala dito mapabayarin man ito o paggamit nito. Ngunit mas nakakabahala ang kung aksidente ang magaganap hindi biro ang maaaring kalabasan ng pangyayari kung sa kuryente ang pag-uusapan.

Larawan ni Athena Quintana | Facebook

Tulad na lamang ng isang paalala ng isang ginang na si Athena Quintana, dahil tulad niya naranasan din ng kanyang anak ang pangyayaring tulad nito. Ayon sa kanyang social media post, hindi niya maatim ang nabasa niyang pangyayari sa isang batang babae na naputukan sa kamay ng extension wire na ginagamit sa bahay. Dagdag pa ni Athena naranasan din umano ito ng kanyang 7-gulang na anak nitong mga nakaraang linggo lamang.

Larawan ni Athena Quintana | Facebook

Halos madurog ang kanyang puso sa sinapit ng bata, marahil nagbalik sa kanyang isipan ang sinapit ng kanyang anak. Kaya naman nagpaalala siya na kung maaari double ingat na lamang lalo na kung tungkol sa kuryente huwag pabayaan ang mga bata.

Larawan ni Athena Quintana | Facebook

Ayon pa sa kanya buti na lamang hindi direkta ang kuryenteng tumama sa kanyang anak bagkus sa saksakan lamang ng extension pumutok ito. Iba kasi ang rektang tama ng kuryente sa tao maaring hindi na ito makabitaw at tuluyang masunog ang tao kapag napadikit ito ng rekta.

Larawan ni Athena Quintana | Facebook

Samantala ito ang buong post ni Athena Quintana;

❝Sumakit puso ko nun nabasa ko yung trending ngayon na batang nakuryente, the same thing also happened to my 7 years old daughter 2 weeks ago, pumutok ang extension wire sa kamay niya the moment na sinaksak niya sa outlet, good thing na hindi sya direct na nakuryente pero grabe yung nangyari sa kamay niya. Doble ingat, hindi natin alam kung kailan mangyayari ang disgrasya. Haaay.

Please magdoble ingat po.  #SharingisCaring


No comments:

Post a Comment