Ang resignation letter ay kadalasan ibinibigay sa kompanya kung ayaw mo na sa iyong trabaho o napagpasyahan mo ng umalis sa iyong pinapasukang kompanya. Ngunit ang mga ito ay nangangailangan ng pa ng araw ng palugit bago pa man tuluyang maaprubahan, ito’y sa kadahilanan na may batas na sinusunod ang isang kompanya upang maisaayos ang mga dapat pang isaayos sa pagitan ng empleyado at kompanya.
Ngunit ang kakaibang resignation letter ng isang netizen na kanyang naipost sa kanyang soc med account ay tumawag ng atensyon matapos ang kakaiba nitong katwiran o dahilan kung bakit ayaw na nito sa kanyang trabaho. Sa post ni Rowell De Dios nakasaad ang dahilan nitong “Mag-aasawa na ako huli na ako sa mga ka-batchmate ko”.
Ang simpleng linya ng pangungusap na ito na rektahang binanggit nito ng walang paligoy ligoy ay siyang umagaw atensyon. Tula marami ang na good vibes sa nasabing post ni Rowell ngunit sa iba naman ay isa lamang itong Meme, marahil ay dahil sa karakter ni Rowell na aktibo din sa social media.
Kahit sino naman may maaaliw sa ganitong sistema ng pagreresign, humakot tuloy ng samu’t saring reaksyon at komento ang post ni Rowell. Samantala sa kasalukuyan mayroon na itong anim na libong shares, libong komento at reaksyon nakakatuwa.