Ano man ang estado mo sa buhay hindi ito magiging hadlang upang abutin ang iyong pangarap, kumilos at galawan ang minimithi mo sa buhay. Sa tamang panahon ipagkakaloob at makakamit mo ang iyong pangarap. Maging mayaman o mahirap ka man, puti o itim ang balat o maging katutubo man ang lahi mo walang makakapigil sa iyo sa bawat hakbang na gagawin mo.
Kaya naman nagbigay ng inspirasyon sa nakakarami ang isang katutubong tindera ng bulaklak mula sa Bacolod City na nagtapos ng may mataas na karangalan sa kanilang paaralan. Si Nelly Ambrocio ay nagtapos sa kursong BS Agriculture at bilang magna cum laude sa Catholic Ming Yuan College (CMYC) sa Murcia, Negros Occidental nitong Mayo.
Sa kanilang lugar kung saan pangunahing ikinabubuhay ang pagsasaka at Kabilang si Nelly mga katutubong grupo o indigenous people ng Bukidnon community sa Negros Occidental. Kwento ni Nelly mula sa isang panayam pinagkakakitaan nila ang kanilang tanim na chrysanthemum mula sa ancestral land. Katuwang ang kanyang mga magulang ibenebenta nila ang nasabing pananim, magtutungo sa St. John the Baptist Parish Church at ibebenta ang mga bulaklak hanggang linggo ng umaga.
Sa araw ng pagbebenta ng mga bulaklak ay kumikita lamang sila ng isang libo at limang daan hanggang dalawang libo, sapat lamang ito upang matustusan ang mga pangunahing pangangailan nilang pamilya. Sa tulong din ng local govertment nabigyan ang ilan sa katulad niyang kapos ng full scholarship sa kursong agrikultura.
Kaya kung isa ka sa nakakaramdam ng paghihirap ngayon at nawawalan ng pag-asa sa buhay ituloy mo lamang na maging positibo at magpatuloy sa iyong pangarap.