Ang kasal ay isang seremonya kung saan ang isang babae at isang lalaki ay pinagsasama sa ngalan ng batas at ng simbahan. Karaniwan na bago ang isang kasal mayroong mga seminar na kailangan puntahan ng mga ikakasal upang sila ay maihanda sa pagpapamilya at sa tunay na kahulugan ng kasal. Dito sa Pilipinas, wala pang diboryso, na syang kasalungat naman ng kasal. Sa Pilipinas din ang kasal ay isang ritual na laging kasama ang mga komunidad.
Sa isang bayan ng Lipa City Batangas nagkaroon ng masayang kasalan kung saan ito ang araw na mag-iisang dibdib sina Mr. and Mrs. Marlon and Ken Loyce Panaligan at tumatayong pari noon ay si Fr. Rodem Ramos. Tunay nga, na ang pagpapakasal ay dapat kapulutan ng aral, hindi lamang dahil sa gusto ninyong mag-asawa bagkus dahil sa pinili ninyong magmahalan at magkasama hanggang sa huli.
Sa pangunguna ni Fr. Rodem Ramos, sa magpapakasal na sina Marlon and Ken Loyce Panaligan ay ginulat nito ang dalawa at ang ilang taong saksi sa kanilang pag-iisang dibdib. Halos hindi makapaniwala ang lahat sa rebelasyon ni Father. Kwento ni Fr. Rodem Ramos bago pa man nagkita at magkakilala ang dalawa sa taong 2017 ay sinabi ni Father na hindi ito ang una nilang pagkikita, bagkus nagkita na ito taong 2000 kung saan si Father din mismo ang nagsagawa ng seremonya. Ikinagulat ito ng saksi at ilan sa mga nakakaalam nito.
Ayon sa Facebook page ng Parish of Sto.Niño de Lipa
“𝗦𝗢𝗕𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗬𝗔 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗻𝗮!” “Noong tinanong ni Father kung kailan sila unang nagkita ay sumagot agad ang dalawa ng ‘𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟰, 𝟮𝟬𝟭𝟳’ po. Biglang sinabi ni Father na HINDI TOTOO!” “BAKIT??? Sapagkat hindi totoo na 2017 lang sila nagkita kasi base sa kanilang 𝗕𝗔𝗣𝗧𝗜𝗦𝗠𝗔𝗟 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘, 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟰, 𝟮𝟬𝟬𝟬 sila sabay na nabinyagan ni Fr. Rodem Ramos!”
“Ang GALING talaga ng timing ng DIYOS!”