Sa mundong ating ginagalawan na puno ng panghuhusga kadalasan kung sino pa ang kumpleto sa pangangatawan sila pa yung mapagngutya sa kapwa, hindi naman sa nilalahat ngunit ito ang reyalidad ng buhay kaya naman kung mahina ang iyong loob mapapaluha kana lamang at mawawalan ng pag-asa magpatuloy pa.
Ngunit ibahin mo ang batang si Grace Anne “Grasya” Villamor Cadosales, 22-anyos kahit na may kapansan o isang siyang Person with Disability (PWD) hindi niya hinayaang pakawalan ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Sa kanyang pagsisikap at pagtitiyaga nakamit pa nito ang pagtatapos ng may mataas na karangalan bilang isa Cum Laude sa kursong Information Technology sa Perpetual Help College of Pangasinan.
Kwento ni Grace sa isang panayam sa kanya siya ay may orthopedic disability na kanyang natamo noong ipinagbubuntis pa lamang siya ng kanyang ina. Dagdag pa niya tatlong beses umano siyang naglabas pasok sa tiyan ng kanyang ina dahil sa suhi nga si Grace at noong mga oras na iyon ay wala pang doktor na tumitingin sa kanila.
Bata pa lamang si Grace ay alam na nito na kakaiba siya sa ibang nakakasalamuha niya ngunit ganun pa man tanggap niya ang kanyang kalagayan. Nakaranas din siya ng pangungutya ng kapwa mag-aaral at ilang mga magulang. Saad pa niya “May na-encounter akong mga grupo no’n ng mga magulang na sinasabi nila, ‘bakit pa ako nag aral,’ ‘baka maging pabigat lang ako at maapektuhan ang klase.’’’
Hindi rin umano bumitaw si Grace sa bible verse na ito “Sabi nga po sa Philippians 4:13, ‘I can do all things through Christ who strengthens me.’”
Sa ngayon ang plano ni Grace ay: “Next goal ko po is makatulong po sa magulang, maibalik ko po kahit papaano lahat po ng sakripisyo po nila sa akin. “And waiting po sa susunod na gustong ipagawa at plano ni Lord sa buhay ko po.”
Mahirap man ang pinagdaanan ni Grace sa huli nakamit naman niya ang kanyang pinapangarap, kung minsan magtataka ka na lamang kung bakit ang tulad ni Grace ay nagawa ang mga bagay na imposible pero ang ilang kababayan nating normal ay hindi. Nakakalungkot lamang isipin,.