Header Ads

Wednesday, June 29, 2022

Bagsak sa sampung subjects ngayon double degree at top notcher sa Engineering Board Exam

0 comments

Bawat tao nga naman ay may nakalaan destinasyon hindi man makuha ito agad basta kilusan at patuloy mong kapitan ang minimithi mo mapapasaiyo ito sa takdang panahon. Tulad ng isang pag-aaral makakatapos ka rin sa kursong gusto mo basta ipagpatuloy mo lamang ito at pasasaan ba makukuha mo rin ang diploma mo o mas higit pa dito.

Larawan mula kay Yurice Winaya Pesigan
Larawan mula kay Yurice Winaya Pesigan

Tulad ng isang 23-anyos na dalaga na si Engineer Yurice Winaya Pesigan at tubong Calapan City, Oriental Mindoro. Sampung bagsak sa kanyang mga subjects noon sa kolehiyo ngunit hindi ito nawalan ng pag-asa at kalaunan nakamit pa ang higit sa inaasahan. Ganap na Engineer na si Yurice na may double degree at topnotcher ngayon 2022 board exam in Sanitary Engineering.

Larawan mula kay Yurice Winaya Pesigan

Bagamat isa rin naman sa paniniwala ng dalaga na marami ka munang pagdadaanang kabiguan bago mo makamit ang tagumpay, dahil siya mismo ay naging patunay sa ganitong sitwasyon ngunit hindi siya nawalan pag-asa at hindi bumitaw sa kanyang pangarap. Hindi madali kay Yunice ang kanyang pinagdaanan, sa kanyang pakikibaka sa pagsubok bilang mag-aaral kinakailangan niyang lisanin ang kanilang probinsya para makapag-aral sa Maynila noong makapasa ito sa admission exam at harapin ang hamon na naghihintay sa kanya sa Maynila kung saan hindi naman niya kabisado ang sanasabing lugar.

Isa sa pangarap ni Yurice ang maging Civil Engineer (C.E.) at bumuo ng sariling construction firm. Habang abala naman siya sa pag-aasikaso ng kanyang main course na Civil Engineer pinayuhan siya ng kanyang ama na kumuha na rin ng kursong Bachelor of Science in Environmental and Sanitary Engineering. Itong kursong ito ay makakatulong sa kanya balang araw at iyon nga ngayon ay topnothcer na siya sa nasabing board exam.

Sa ngayon pinaghahandaan naman niya ang Board Exam upang maging ganap na Civil Engineer. Marami ang napabilib sa ginawang pagpupursige ni Yurice, kung tutuusin hindi biro kayanin ang dalawang kurso habang malayo ka sa pamilya mo at namumuhay mag-isa para sa iyong pangarap na muntik na makawala dahil sa kabiguan.


No comments:

Post a Comment