Header Ads

Wednesday, June 29, 2022

Inaalipustang Agta noon ngayon ay degree holder at nag-iisang Agta sa kanilang Tribu na nakapagtapos sa Kolehiyo

0 comments

Bawat tao ay may masaklap na karanasan sa buhay, kung ang iba ay nakaranas ng karangyaan ang iba naman ay pasakit at kahirapan ang dinadanas. Ngunit ganun pa man ang buhay may paraan naman upang makaahon tayo sa hindi magandang sitwasyon ating kinasasadlakan sa kasalukuyan. Tiyaga, sipat at dalangin sa Panginoon ang magbibigay sa atin ng kaginhawaan sa takdang panahon.

Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda
Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda

Ang istorya ng isang katutubong agta na mula sa pag-aalipusta ng karamihan ngayon ay may ipapagmamalaki na sa kanyang kinagisnang komunidad. Si Zeny Sibayan Cepeda ay 30-anyos at tubong Cagayan mula sa komunidad ng katutubong agta sa Barangay Diora-Zinungan sa Santa Ana, Cagayan. Nakapagtapos si Zeny sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English, sa St. Anthony’s College Cagayan.

Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda

Kwento ni Zeny bata pa lamang siya ay nakatanggap na siya ng iba’t ibang uri ng pang-aalispusta at pangungukya mula sa kanyang nakakasalamuhang tao partikular na sa mga kaklase niya. Nariyan ang spalagi siyang pinagtatawanan; “Araw-araw tinatawanan ako noon dahil butas-butas ang tsinelas ko.” “Papasok minsan malaki pa sa akin yung suot kong uniform kasi bigay lang sa akin dahil sa kagustuhan ko pong pumasok.”

Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda

Mula elementarya nakaranas siya ng panunukso sa kanyang kamag-aral at nagpatuloy ito hanggan high school. Marahil kakaiba ang kanyang itsura sa ibang estudyante kaya ganoon na lamang ang labis na pambubully ng mga ito sa kanya. Hindi na nagpatuloy ng kolehiyo si Zeny hanggang sa isang araw sa tulong ng isang doktora.

Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda

Nagkaroon ng outreach program sa kanilang komunidad at iyon programang iyon nakilala niya si Dr. Zsa Zsa Meneses na siyang naging daan upang makapasok muli siya sa kolehiyo. Tinulungan siya ng nasabing doktora na magkaroon ng iskolar sa isang magandang paaralan at kahit na nasa edad na 25 siya ng mga panahong iyon nagpatuloy siya sa kolehiyo.
Sambit pa ni Zeny; “Napakasaya ko dahil ang pangarap kong makapagtapos at maipakita sa aking tribu na kaya namin sumabay ay nagawa ko,”

Batid niya ang hirap na dadanasin at pag-aalinlangan na muling tuksuhin ngunit nagkamali siya ng akala. Simula ng pumasok siya sa St. Anthony’s College Cagayan hindi umano nakaranas si Zeny ng pambubully sa nasabing paaralan. “Ipinagmamalaki ko pong sabihin na never na po akong nakaranas ng pambu-bully dito sapagkat mababait ang mga mag-aaral dito, maging ang mga guro.” – dagdag pa nito.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Zeny sa mga taong tumulong sa kanya, malaki din ang pasasalamat niya sa Franciscan Apostolic Sisters na namamahala sa eskuwelahan at National Commission on Indigenous People sa pagpapaabot nito ng tulong pinansyal. Sa susunod na taon kukuha na si Zeny ng licensure examination para naman makatulong ito sa kanyang mga katribung agta.


No comments:

Post a Comment