Sipag at tiyaga ang puhuna, samahan mo pa ito ng dasal sa ating panginoon maykapal tiyak makakamit mo ang iyong pinapangarap sa buhay. Hindi man madalian ang proseso ngunit sa tamang panahon ipagkakaloob sa iyo ang lahat ng ipinagdarasal mo. Huwag lamang mawalan ng pag-asa at magpatuloy sa buhay tungo sa iyong pangarap.
Ang pamilya ni Tricxie Camu Rangasa mula sa Tiwi, Albay ay isang halimbawa na kahit walang wala sa buhay basta magsipag at magtyaga ka lamang ay kalaunan makakamit mo ang mga minimithi mo sa buhay. Kwento ni Tricxie Camu Rangasa nag-umpisa lamang sila sa puhunang P500 kung saan nagtitinda sila ng kwek-kwek at kalaunan ay nadagdagan pa ito ng mga ibang street foods na siyang nagpalaki din ng kanilang kinikita.
Ang tinda nilang kwek-kwek, fishball, kikiam at chiken skin ay nadagdagan pa. Dahil nga sa likas ang kasipagan nilang mag-asawa, naisipan nilang magdagdag pa ng fried chicken kung saan sa pagsapit naman ng gabi nila ito benebenta.
Ayon pa kay Tricxie Camu Rangasa hindi nila akalain na sa loob lamang ng anim na buwan na pag-iipon ay nakamit nila ang pangarap na magkaroon ng sasakyan. Hindi lamang yan nakabili na rin ang mga ito ng lupa na may 200sqm ang sukat kung saan dito nila ilalagak ang kanilang dream house.
Sa ngayon nakakatulong na rin silang mag-asawa sa kani-kanilang pamilya, tunay nga nagbigay inspirasyon ang kanilang kwento. Marami sa mga nakapanood at nakabasa nito ay napabilib sa dedikasyon para sa pangarap na hinahangad. At dahil nga sa maganda at matagumpay na istorya, umani ng papuri at positibong komento mula sa mga netizen ang ginawa nilang mag-asawa.