Header Ads

Tuesday, June 28, 2022

Amang may kapansanan sa mga kamay, patuloy na nagsisikap ang isang ama na fishball vendor para maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya

0 comments

Hindi man pabor kung minsan sa atin ang tadhana at maging agos ng kapalaran ay di patas tulad ng iba, ngunit ganun pa man may kasabihan na tayo ang guguhit sa anong kapalaran ang nais natin o gustuhin natin. Samahan natin ito ng pagsisikap at pagtyatyaga pasasaan ba makakamit din natin ang minimithi natin.

Kuhang larawan mula sa video ni Alvin Manalang | Facebook

Kadalasan marami ang sumusuko kapag nakaramdam ng hirap sa kanilang ginagawa, may ilan pa na kahit walang kapansanan ay masasabi nating batugan o walang ginagawa kung hindi magbabad sa higaan at maghintay na lamang kung ano darating sa kanya.

Kuhang larawan mula sa video ni Alvin Manalang | Facebook

Kaya naman ang isang kwento ng ama na tulad ni Tatay Noel Perez o mas kilala ng kanyang mga suki sa tawag na Mang Weng ay labis na hinangaan ng mga netizen. May kulang man sa kanyang mga katawan ay hindi ito nawalan ng pag-asa para ipagpatuloy ang pagsisikap para matustusan ang pangangailan ng kanyang pamilya. At dahil nga sa pagiging masipag at madiskarte ni Mang Weng umani ito ng papuri at magagandang komento mula sa maga netizen.

Kuhang larawan mula sa video ni Alvin Manalang | Facebook

Sa panayam sa kanya ng GMA Public Affairs ibinahagi ni Tatay Noel kung paano siya nawalan ng kamay. Ayon sa kanyang kwento taong 1983 ng maputol ang isa niyang kamay habang ang kabila naman nito baldado na dahil sa pagkakakuryente niya sa pinapasukan niyang construction site noon. Ngunit sa kabila ng kanyang sinapit nagdesisyon si Tatay Noel na ipagpatuloy ang laban ng buhay.

Kuhang larawan mula sa video ni Alvin Manalang | Facebook

Hindi niya alintana ang kakukalangan ng kanyang kamay bagkus naging daan ito para lalo siyang magpusrige sa buhay matustusan ang pangangailangan nilang pamilya sa araw-araw. Sa kabila ng kanyang sinapit napagtapos na ni Tatay Noel ang kanyang mga anak at nabibigay ang gamot para sa kanyang asawa. Dagdag pa niya “Nakapag-abroad nga po ‘yung anak ko pero mahina po ‘yung sahod. Kailangan ko pong magtrabaho ‘yung sa misis ko po kailangan pa ‘yung medication,”

Nakakainspire istorya itong ni Tatay Noel at sana marami sa atin ang mabigyan ng motibasyon sa laban ng buhay tulad ng ginagawa ni Tatay Noel.


No comments:

Post a Comment