Header Ads

Wednesday, June 29, 2022

Tuloy ang pagpadyak ng isang pedicab driver na may kapansanan sa kabila ng aksidente na nangyari sa kanya

0 comments

Mahirap kumita ng pera sa panahon ngayon lalo na kung ikaw ay isinilang na dukha at walang wala , baka malamang isa kana rin sa sumuko sa hamon ng buhay. Sa ngayon unti mo baryang kusing ay mahalaga, kaya naman bawat kitain ay kailangan maigasta ng tama.

Kuha ni Bayan Patroller Sid Samaniego | Facebook

Sa isang bayan ng Cavite may isang nagsisilbing inspirasyon na pedicab driver na nagngangalang Zosimo Cabuong Jr 35-anyos at naninirahan sa Pugeda St. Brgy Kanluran, Rosario, Cavite. Si Zosimo ay mas kilala sa tawag na “Tepart”, ang kanyang kalagayan ay nagsisilbing inspirasyon sa karamihan lalo ng maitapok ito sa programa ng ABS CBN na Bayan mo, Ipatrol Mo.

Kuha ni Bayan Patroller Sid Samaniego | Facebook

Si Tepart ay putol ang isang binti ngunit sa kabila ng kanyang kondisyon patuloy pa rin itong lumalaban sa hamon ng buhay. Ayon sa istorya ni Tepart natamo niya ang pagkaputol ng isang niyang binti sa aksidenteng kanyang kinasangkutan. Noong Oktubre 29, 2014 naipit ng bakal ang kanyang binti habang nagtatrabaho bilang pahinante ng trak ng basura sa Quezon City at dahil malala ang natamong tama kinakailangan itong putulin.

Kuha ni Bayan Patroller Sid Samaniego | Facebook

Nang panahon na iyon ay buntis pa ang kanyang misis at siya ang nag-aalaga sa kanilang 6-anyos na taong gulang na anak, pati na rin sa kanyang 86-anyos na lola na may iniinda na ring karamdaman. Kahit masalimuot ang pangyayaring naganap mas pinili ni Tepart na lumaban at magpatuloy sa buhay. Matapos ang aksidente pedicab na ang kanyang naging hanap buhay kung saan kumikita siya ng 200 kada araw depende pa ito sa dami ng byahe niya.

Kuha ni Bayan Patroller Sid Samaniego | Facebook

Sa ngayon ang tanging pangarap lamang ni Tepart ay magkaroon ng artificial na paa o kaya naman ay electric bike na may sidecar, kung saan makakatulong ito sa hirap niyang magpadyak. Dagdag pa niya na patuloy lang manalangin at magpatuloy sa kabila ng hamon ng buhay at tutulungan tayo ng Diyos na makayanan ang lahat.

Ibang mindset mayroon si Tepart na bihira mong makikitaan sa tulad niyang may kapansanan, kaya naman ang mga netizen ay lalong napabilib sa kanya.


No comments:

Post a Comment