Header Ads

Friday, August 19, 2022

Tunghayan ang pamumuhay ngayon ng dating sikat na asian celebrity na sumikat sa ating bansa noong 90’s na si Cynthia Luster

0 comments

Dekada 90’s kung saan hindi pa halos nauuso noon ang mga gadgets na tulad ng cellphone, internet at mga online games. Ang tanging mapaglilibangan lamang ay pakikinig sa radyo ng mga drama at balita, pagbabasa ng dyaryo at panonood ng telebisyon.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster
Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Ito rin ang panahon kung saan sikat ang martial arts at kung fu o sa madaling salita para sa ating mga pinoy ay karate. Ilan sa mga pangalan ang matutunog noon tulad nila Bruce Lee, Jackie Chan, Jet Lee at iba pa. Kaya naman hindi naglaon pinasok na rin ng mga ito ang pag-aartista.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Tiyak sa panahon na iyon kapag sila ang bibida sa pelikula asahan mo na dudumugin ng tao lalo na kung ito ay ipapalabas sa mga sinehan. Ngunit hindi lamang madalas kalalakihan ang naging popular noon may ilan ding kababaihang martial artist ang sumikat at pumalaot sa showbiz.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Magbalik tanaw tayo sa isang dayuhang minsang naging popular sa ating bansa dahil sa kanyang pagkakaroon ng angking talento sa martial arts at pagiging maka-Filipino nito. Siya si Cynthia Luster o Yukari Oshima sa tunay na buhay, Isinilang noong Disyembre 31, 1963 sa bansang Japan. Ang kanyang ina ay isang fashion designer samantalang ang kanyang ama ay isang negosyante sa nasabing bansa.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster
Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Bago pa man nakilala sa ating bansa si Cynthia Luster bilang artista, siya muna ay naging popular sa bansang Hongkong kung saan marami itong nagawang pelikula gamit ang kanyang galing at talento sa martial arts. At kinilala rin ito sa kanilang bansa bilang isa sa mahusay sa larangan ng karate.

Sa mga hindi nakakaalam bago pa rin makarating sa ating bansa si Cynthia ay gumanap na itong kontrabida sa sikat na palabas noon na ‘Bionman’ kung saan halos ang mga kabataan noon ay ito ang inaabangan at pinapanood. Nang maglaon napadpad si Cynthia sa ating bansa at gumawa ng kabi-kabilang mga pelikula kung saan nakasama niya ang mga sikat na artista ng ating bansa, Nariyan si Bossing Vic, Monsour Del Rosario, Lito Lapid, Jestoni Alarcon at iba pa.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Sa paglipas ng panahon unti unting humupa ang kasikatan ni Cynthia marahil sa mga nag-uusbungan makabagong teknolohiya na alam naman natin pati ang ating sariling pelikula ay nanamlay. Kaya naman sa mga panahong iyon nagpasya siyang bumalik sa bansang Japan kung saan naroon ang kanyang pamilya.

Retirado na? Yes retirado man siya sa paggawa ng pelikula ngunit naging aktibo naman ito sa pagpromote ng kanilang turismo at isa pa ang kanyang pinagkakabalahan ngayon ay maipasa ang talento sa mga kabataang nais gumawa ng martial arts movies.  Sa Yukari Oshima Action School kung saan dito na siya aktibo, hindi man natin makita sa malaking tela ang minsan nagpasaya sa atin nakakatuwa naman isipin na ang talentong minsang nagpasikat sa kanya ay naipapasa niya sa mga kabataan na nais pasukin ang minsang naging mundo niya.


No comments:

Post a Comment