Ang takbo ng buhay ng isang tao ay iba-iba, minsan ang kapalaran ay hindi mo mawari kahit na anong sipag o buti mo sa iyong ginagawa. Marahil ito nga ang madalas na kasabihan na may rason ang bawat pangyayaring nagaganap sa atin. Madalas hindi natin maunawaan ang mga bagay-bagay lalo pa’t kung ito ay masalimuot ngunit ganun pa man marapat na magpatuloy lamang tayo sa ating mga ginagawa hindi man para sa atin ang magandang ibubunga nito, baka sakali sa ating mga mahal sa buhay.
Katulad na lamang ng isang tricycle driver na namamasada na si Godofredo Miralles, kamakailan lamang ay naging agaw atensyon ang kanyang kalagayan online. Bukod kasi sa marami ang humanga sa kanyang dedikasyon sa buhay, marami din ang nahabag kay Mang Godofredo. Ibinahagi ng isang concern citizen ang napansin nitong kalagayan ng isang matanda habang sakay sila nito.
Sa post na ito ni Ka J. Cales sa kanyang socmed account kuha ang larawan na may plastic na nakasukbit sa beywang ng matanda habang ang hose nito ay patungo sa kanyang bulsa. Ito pala ang tinatawag na catheter, ayon sa matandang driver na si Mang Godofredo ay walang buwan na siyang may sukbit na supot sa kanyang beywang dahil sa sakit nitong prostat3 canc3r na madalas ang tinatamaan ng sakit na ito ay nagkakaedad na mga kalalakihan.
Marami ang bumilib kay Mang Godofredo at sa kabilang banda marami din naman ang nahabag sa kalagayan ng matanda. Sa ngayon umabot na sa sampung libo ang nagbahagi ng kalagayan ni Mang Godofredo. Samantala lumapit din pala si Mang Godfredo kay Ka Jerald Gales ng Aksyon bandera upang manawagan at makahingi ng kaunting tulong patungkol sa kanyang karamdaman.
Narito ang buong post ni Ka J. Cales; “Yan ang tricycle na nasakyan namin kanina galing Cathedral..mejo may edad na din ung driver kaya cguro mabagal ang takbo namin..pero bandang bonna’s na kami napansin ko ung sa may baywang nia na may maliit na hose deritso sa may parang bulsa na malaki o something bag..narealize ko lang na may sakit pala xa..napansin ko din ang putla ni tatay driver..kawawa naman xa,,kelangan niang mamasada sa kabila ng nararamdaman nia..Godbless sau tay..wala man akong malaking maitutulong sana may taong ipadala si Lord sau na may malaking maitutulong..”
Sa mga nais magpahatid ng tulong narito ang GCash ni Mang Godofredo, GCash number para kay Tatay Godofredo: 09387865043.. Mangyari icheck lamang mabuti ang pangalan upang hindi mapunta sa mga taong mapagsamantala.