Talaga nga naman nasa mindset kung paano mo gustong tuparin ang pangarap mo o ang nais mo maging sa buhay. Tulad na lamang ng isang tiktoker na si Aldrin Pawa, 24-anyos na taga Palawan. Isinilang na may kondisyong phocomelia syndrome kung saan mula sa kanyang pagsilang ay wala na itong mga kamay at paa.
Kaya naman si Aldrin ay binansagan na Putol, ngunit ganun pa man pinatunayan niya na hindi hadlang ang kanyang kapansanan upang makamit nito ang tagumpay at pangarap na inaasam-asam. Nagtapos si Aldrin sa Palawan National High School bilang isang senior high na may karangalang honor student.
Dagdag pa ni Aldrin “Hindi sukat sa PHYSICAL o APPEARANCE ng tao kung makakapag tapos ka o hindi ang mahalaga ginawa mo ang best mo para sa mga taong naniniwala sa kakayahang meron ka.”
At sa isang panayam sa kanya sinabi nitong; “Umulan man o mainit…minsan sa sobrang init nagkakaroon ako ng nana sa tuhod kakalakad.
“Lahat yan tiniis ko, pinagtiyagaan ko para mapatunayan ko sa sarili ko na itong ‘PUTOL’ na tinatawag nila ay makakapagtapos ng pag-aaral.”
Bagay na nakakalungkot isipin, kung ang iba kumpleto ang pangangatawan ay nagagawa pang hindi gumawa ng tama at nawawalan ng pag-asa sa buhay, si Aldrin pa kaya na may kakulangan ngunit patuloy ang laban sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.
Tunay nga na maipagmamalaki mo ang tulad ni Aldrin dahil bukod pa sa kanyang mga achievement sa kanilang paaralan isa din siyang SK Kagawad at Vice President ng Persons with Disabilities sa Brgy. San Pedro, Puerto Princesa, Palawan. Sa kabila ng kanyang kondisyon marami siyang nagagawa at napapasayang mga tao.
Sa mga hindi nakakaalam hindi ito ang unang beses na sumikat si Aldrin, bilang tiktoker minsan na rin siyang naipalabas sa media kung saan dito naman ipinakita niya ang kanyang talento sa pagsasayaw. Umani ng milyon at libo libong views ang kanyang mga videos kaya naman sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 2 million followers sa tiktok.
Ngunit sa lahat ng ito may hinanaing din naman si Aldrin, sambit niya; “Sa bawat pamba-bash sa akin ng tao, nasasaktan ako, parang naapektuhan ang confidence ko.
“Nada-down ako sa sarili ko, pero hindi dahilan iyon para ma-down ako or sumuko ako.”
“Gusto ko lang naman po na maipakita sa buong mundo na kahit ganito ako—wala akong kamay, wala akong paa—pinapakita ko lang ang talento na meron ako.
“Gusto ko pong magbigay inspirasyon sa mga taong katulad kong may kapansan na kung ano man ang kapansanan nila, maging motivation ito sa kanila.” – dagdag pa niya.
Ganito man ang kanyang sitwasyon kanyang nararanasan patuloy pa rin siyang humuhugot ng lakas sa kanyang pamilya, kaibigan at higit sa lahat sa kanyang pananampalataya sa Panginoon natin. Sa ngayon ang balak ni Aldrin ay magpatuloy sa kolehiyo at kumuha ng kursong edukasyon.