Dalawa lamang ang uri ng tao sa mundo isang masama at isang mabuti, kung saan ka papanig dito ay ikaw na ang bahala ngunit sa bawat ginagawa natin ay may kaakibat na kapalit. Kung gumawa ka ng mabuti ay may mabuti itong patutunguhan at kung ikaw ay gumawa ng masama ay asahan mong may kapalit din itong hindi maganda.
Ngunit sa isang tindero ng tahong na simple lamang ang buhay ay nanaig sa kanyang damdamin ang kabutihang loob. Siya si Marlon Tanael simpleng mamayan na madalas nakabilad sa kalsada dahil sa kanyang paglalako ng tahong sa iba’t ibang lugar. Si Marlon ay nakapulot ng tumataginting na P15 milyong halaga ng pera na nasa loob ng bag. Ayon sa kanyang kwento naglalako siya noon ng tahong sa highway nang may mapansin itong isang bag. Wala naman daw siya interes dito kaya naman hinintay niya kung may darating na may-ari o maghahanap sa nasabing bag.
Lumipas ang ilang oras na pag-iinatay wala pa rin naghahanap sa nasabing bag kaya naman naisipan ni Marlon na pansamatalang iuwi ito, kahit na nasa bahay na hindi pa rin ito binuksan ng binata bagkus pinag-isipan niya kung ano nga ba ang nilalaman nito. Kaya naman kinabukasan naisipan na niya tingnan ang laman nito ngunit laking gulat niya ng makita ang isang envelope na naglalaman ng P15-milyon halaga ng tseke.
Dagdag pa ng binata “Ang gusto ko pong mangyari ay mabalik po ito sa City Treasurer of Imus City kasi po bukal po ang kalooban ko na maibalik po itong malaking pera,” At sa wakas matagumpay na nadala ni Marlon ang nasabing bag sa City Treasurer’s Office ng Imus, Cavite, at ito pala ay pagmamay-ari ng Property Company ng Friends, Inc.
Kaya naman dumagsa ang papuri at magagandang komento kay Marlon, bihira ang taong tulad niya na may angking kagandan ng kalooban.