Header Ads

Sunday, July 17, 2022

Kahanga-hangang pagtulong, Babaeng napadaan walang arteng pinadede ang sanggol na anak ng pulubi

0 comments

Marami sa atin ang hindi ipinganak ng pantay pantay sa lipunan, may mahirap at mayroon din mayaman. Ang iba naman ay talagang kapos palad kung maituturing tulad na lamang ng mga pulubi na kadalasan ay hindi natin binibigyan pansin. Madalas ang itsura nila at ang amoy ay hindi kaaya-aya ngunit hindi naman nila ito ginusto bagkus sadyang kapos lamang sila sa lahat ng bagay.

lrarawan mula kay Argel’s Shoppee Rtw | Facebook

Ngunit may isang tagpo ang nagbigay paghanga sa ating mga netizen, sa isang kuha na naipost sa social media account na Argel o Argel’s Shoppee Rtw. Naikwento ang kabayanihan ng isang babaeng hindi kilala ang pagkakakilanlan ay naaktuhan na nagbigay tulong sa lulubi lalo na sa sanggol na hawak nito.

lrarawan mula kay Argel’s Shoppee Rtw | Facebook

Ayon sa post ng Argel o Argel’s Shoppee Rtw, nasa Robinson Butuan City siya ng mga panahon na iyon nang kanyang mapansin ang isang sanggol na hawak ng isang pulubi na sige ang iyak. Walang tahan ang sanggol na ito marahil sa init at gutom na nararamdaman, ang kanyang ina na may kalong dito ay tinangka naman itong pasusuhin ngunit sa kasamaang palad hindi pa natigil ang bata dahil na rin sa walang makuhang gatas sa dibdib ng ina.

Habang tumatagal ang tagpo nakakatawag na ito ng atensyon sa karamihan na siyang nagdudulot pangamba, kung ating iisipin ay hindi naman normal ang tagpong ito lalo na kung malakasan na ang pag-iyak ng sanggol at walang tahan. Ngunit ganunpaman isang babaeng nakaputi ang lumapit sa mga ito na kung iisipin mo ay nagpaabot lamang ng tulong ngunit hindi ito ang nangyari.

lrarawan mula kay Argel’s Shoppee Rtw | Facebook

Ang babaeng napadaan pala ay walang arteng pinasuso ang bata sa kanyang sariling dibdib kahit pa ito ay nasa pampublikong lugar kaya naman ang sanggol na pulubi ay bigla na lamang napatahan, waring ang gutom ng sanggol ay naibsan. Kung minsan may mga pagkakataon talaga sa buhay natin na hindi mo inaasahan na kung sino pa yung hindi natin kilala ay sila pa ang tutulong sa atin. Sobrang saludo ng mga netizen sa babaeng walang pagdadalawang isip ialay ang kanyang sarili para lamang makatulong sa kapwa.


No comments:

Post a Comment