Header Ads

Wednesday, July 27, 2022

Pinarangalan sa pagpapakita ng husay at tibay ng loob, ang 18-anyos na volleyball player na may kapansanan

0 comments

Lahat naman ng bagay sa mundo ay maaaring maging posible basta pagsikapan mo, kilusan ang bawat pangarap at huwag hayaan na maging isang pangarap lamang ito.

Marami sa ating kababayan kung sino pa ang may kakulangan sa katawan siya pa mas nakikitaan natin ng pagsisikap at pagtatyaga sa buhay, minsan naman ang mga taong kumpleto ang panganngatawan ay siyang pang tamad at hindi gumagawa ng tama.

Larawan mula kay Wing Adnagam

Pareho lamang sa bawat aspeto ng buhay maging isports man ito, importante ang dedikasyon, sipat at tiyaga. Kaya naman umani ng papuri ang isang volleyball player mula sa mula sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao na si Edwin Enguito 18-taong gulang dahil sa kanyang ipinamalas na husay at tibay ng loob sa larong volleyball.

Larawan mula kay Wing Adnagam

Ayon sa volleyball coach na si Wing Adnagam ns siyang nagpost ng [email protected] video ni Edwin. Tunay siyang napabilib at pinahanga ng binata hindi lamang dahil sa husay nito sa paglalaro ng nasabing sports kundi dahil na rin sa kalagayan ni Edwin. Ayon kay Wing si Edwin ay ipinanganak na may kapansanan at putol ang kaliwang bahagi ng binti at kamay nito ngunit sa kabila ng kanyang kakulangan ay nakitaan ni coach ito ng potensyal sa paglalaro ng voilleyball at siyang maging inspirasyon sa mga kabataang tulad ni Edwin.

Larawan mula kay Wing Adnagam
Larawan mula kay Wing Adnagam

Dagdag pa ni coach Wing, si Edwin daw ay nasa grade pa lamang ay nakahiligan na ang larong volleyball tulad ng kanyang mga ate na pawang manlalaro ng volleyball. Noong ngang kakatapos lamang na 4-day Volleyball Clinic at Coaches Forum 2022 na pinangunahan ng BARMM Sports Commission ay isa si Edwin na nabigyan ng parangal bilng “Most Inspiring Player” dahil sa kanyang ipinamalas na husay at tikas ng kalooban sa paglalaro ng nasabing palakasan.

Larawan mula kay Wing Adnagam

Ang Volleyball ay hindi birong sports ito ay nangangailangan ng lakas at gisig, kadalasan sa makikita natin ay pawang matatangkad at talaga namang may tikas ang pangangatawan mapababae man o lalake ngunit sa kaso ni Edwin pinatunayan niya na kahit may kapansanan ay kaya niyang makipagsabayan sa mga manlalarong normal ang pangangatawan.

Larawan mula kay Wing Adnagam

Sa ngayon umaani si Edwin ng labis na papuri at paghanga sa mga netizen, marahil sa pagiging inpirasyon sa nakakarami.


No comments:

Post a Comment