Magulang ang unang nasisiyahan kapag ang kanilang anak ay nagiging aktibo o masigasig sa pag-aaral nito, dahil para sa kanila lahat ng pagod at pagsisikap nila na mapag-aral ang anak ay nagkakaroon ng magandang bunga. Ngunit ang iba naman ay taliwas sa ganitong paniniwala marahil para sa iba ay sapat na ang kanilang anak ay makapag-aral at makapagtapos.
Iba-iba man ang paniniwala natin sa ating buhay basta ang mahalaga ay nasa tamang landas ang ating tinatahak, hindi nananapak ng kapwa makaangat lamang. Isang halimbawa ang mag-aaral ng Sto. NiƱo Academy sa Bocaue, Bulacan na si Meckia Mari L. Villanueva 18-anyos ng nasabing lugar. Si Mickia ay isang valedictorian sa kanilang paaralan na humakot lang naman ng 60 certificates, 24 medals, at 30 ribbons sa ginanap na commencement exercises sa kanilang paaralan.
Halos lahat ng parangal ay nakuha ng dalaga, si Meckia ay anak ng isang licensed pharmacist ngunit mas pinili ng kanyang ina na maging isang plain housewife upang matutukan ang mga anak at ang pamilya. Samantala ang kanyang ama naman ay isang card dealer sa PAGCOR. Pag-amin ng dalaga talagang sinikap niya makamit ang mga parangal na kanyang natanggap dahil para sa kanya kasiyahan niya ito at ang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya pagdating sa pag-aaral.
Marahil marami din ang nagtaka kung bakit umabot lahat sa 60 ang awards na natanggap niya, ang sagot ng dalaga ay kombinasyon na ito ng kanyang awards buhat pa noong unang semester hanggang sa magtapos siya ng senior high kamakailan. Bukod pa kasi sa mga academic awards mayroon din siyang extracullicular awards at siya rin ang student counsil President sa kanilang paaralan.
Kwento pa ni Meckia marahil ang kanyang estratehiya o sistema sa pag-aaral ay gumana, anya gumising ito ng alas tres ng madaling araw upang aralin ang mga nakatakdang aralin sa araw na iyo lalo pa nga kung marami siyang gagawin bilang presidente ng student council. Sa madaling salita ang ginawang ito ng dalaga ay disiplina sa lahat ng aspeto para sa kanyang minimithing pangarap.
Sa ngayon naka enrolled ang dalaga sa kursong B.S. Biology Major in Medical Biology sa paaralan ng University of Santo Tomas (UST) at nakakuha ito ng full scholarship sa nasabing paaralan bukod pa sa scholarship na maari nitong matanggap sa DOST.