Header Ads

Thursday, July 7, 2022

Naging inspirasyon ang isang Working student na Sekyu, habang pinag-iibayo ang pag-aaral sa kursong Archetecture

0 comments

Namulat tayong mga Filipino sa kahalagahan ng edukasyon na siyang ipinamulat sa atin ng ating mga magulang. Ang madalas na maririnig natin sa kanila ay edukasyon lamang ang tanging maipapamana namin sa inyo kaya naman mag-aral kayong mabuti.

Ang edukasyon din ang isang susi upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay, kaya naman kung ating papansinin todo ang kayod ng ating mga magulang mapag-aral lamang ang kanilang mga anak. Kung minsan hindi man dinanas ng ating mga magulang ang makapagtapos, ito naman ang gusto nila para sa kanilang mga anak.

Larawan mula kay Cristina Sofia Frencillo | Facebook

Kaya naman ang isang security guard ay naging inspirasyon ng nakakarami, nang minsan siyang namataan na nag-aaral habang nasa trabaho ito. Ayon sa netizen na si Cristina Sofia Frencillo na siyang naglahad sa social media ng kwento ni kuyang sekyu at ilan nitong larawan. Ayon sa buod ng kwento ni Cristina, nagkataon na nasa lugar sila kung nasaan si Melquisidec Aurea ang 25-anyos na seceurity guard nang mapansin niya itong abala sa ginagawa.

Si kuya ay may iginuguhit gamit ang maliit na ilaw at mga kagamitang panukat at panulat, kaya naman pala ay hindi lamang sekyu si Melquisidec isa rin pala itong architecture student sa Eatern Visayas State Univeristy o EVSU sa kursong BSArchitecture at kasalukuyang nasa ikatlong taon ng kanyang kurso.

Larawan mula kay Cristina Sofia Frencillo | Facebook

Paniguradong marami ang makakapuna dahil oras ng trabaho niya ginagawa ang pag-aaral ngunit ng mapansin ni Cristina, hindi naman nagpapabaya si Kuyang guard sa kanyang trabaho katunayan nga sa tuwing may mga magdadaan alisto ito at pansamantalang tumitigil sa kanyang ginagawa.
Sambit pa ni Cristina – “Initially, nagulat po kami kasi ‘yung focus niya po ay sa work niya talaga, tapos everytime po na may dadaan naa-alarma siya kaagad. Kung wala namang tao siya ay nagdo-drawing.”

Umani ng mga positibong komento si kuya sekyu dahil na rin sa kanyang dedikasyon sa kanyang ginagawa at naging daan upang maging inspirasyon sa iba, lalo na mga taong nawawalan ng pag-asa. Isa si kuyang guard na patunay basta may pangarap ay ating pagsikapan.


No comments:

Post a Comment