Header Ads

Monday, July 4, 2022

91-anyos Lolo tinaguriang Model Student of the Year matapos makapagtapos sa Senior High

0 comments

Walang pinipiling edad ang edukasyon kung nanaisin mong makapag-aral at makapagtapos kahit anong edad mo magagawa mo ito, samahan mo lamang ng dedikasyon, sipag at tyaga. Kaya naman sa lugar ng Balbalayang, San Gabriel La Union isang matanda sa edad na 91-anyos ay nakapagtapos pa ng senior high at tinagurian pang “Model Student of the Year”.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Siya si Lolo Federico Bentayen o mas kilala sa bansag na Lolo Pedring, ay nakapagtapos ng Senior High School sa Balbalayang National High School. Si Lolo Pedring ay kinakitaan ng magandang halimbawa bilang mag-aaral bagama’t may katandaan na hindi ito sumuko upang makamit ang pangarap na makapagtapos ng Senior High.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Ayon sa kanyang guro si Lolo Pedring ay nahinto ng pag-aaral noon dahil mas pinili nitong tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at gayun din upang mapag-aral ang anim nitong anak. Ngunit isang pagkakataon ang muli dumating sa buhay ni Lolo at hindi na nito pinakawalan pa. Sa pamamagitan ng programang ALS o Alternative Learning System ng ating gobyerno, sa edad na 88 taon ni Lolo ay tinuloy niya ang pag-aaral.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Mahaba-haba man ang tinahak na landas ni Lolo upang makamit ang minitmithing pagtatapos, hindi ito nawalan ng pag-asa upang makamit ang pagtatapos niya. Sa araw ng kanyang pagtatapos kasama nitong umakyat ng entablado ang kanyang anak na babae upang tanggapin ang diploma ni Lolo.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Bagama’t may katandaan na si Lolo hindi ito naging hadlang upang magpatuloy siya sa nais niyang pangarap, matapos pa nga ang pag-akyat nito nabigyan pa siya ng pagkakataon magsalita upang magbahagi ng inspirasyon sa mga kabataan na naliligaw ng landas.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Naging matunog sa social media ang pagtatapos ni Lolo Pedring kaya naman umani ito ng magagandang komento at papuri buhat sa mga netizens.


No comments:

Post a Comment